^

Bansa

Real estate broker itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin ang isang real estate broker  habang lulan ng behikulo sa naganap na ambush sa KM 3 Brgy. Pico,  La Trinidad, Benguet, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Pines City Doctors Hospital ang biktimang nakilalang si Roberto Obidos, 52, tubong Samar, Leyte sanhi ng mga tinamong tama ng bala partikular na sa leeg at iba pang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Cordillera Police, naitala ang krimen sa nasabing lugar bandang alas-8:25 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ng kaniyang kulay pulang Innova (ARA-5003) ang biktima  ng pagbabarilin ng mga armadong salarin  habang patungo sana ito sa Balili LTB ( Land Transportation Benguet ) upang kunin ang kaniyang lisensya.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas matapos ma­­s­i­gurong napuruhan ng mga tama ng bala ang target patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Sa pahayag ni Gng. Imelda Obidos, 50, misis ng biktima, Regional Health Officer sa La Trinidad, Benguet huli niyang nakitang buhay ang mister dakong alas-7:40 ng umaga kamakalawa matapos siyang ihatid nito sa trabaho.

Kasalukuyan nang nirerebyu ng pulisya ang CCTV footage upang matukoy at matunton ang mga salarin. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang motibo ng krimen.

vuukle comment

BENGUET

KM 3 BRGY. PICO

LA TRINIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with