^

Bansa

Dela Rosa tinaningan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tinaningan ni Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna si Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa ng 60-araw para lutasin ang pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee ick Loo.

Sinabi ni Tugna na ang magagawa ngayon ni dela Rosa ay ang magbigay ng lubos na kooperasyon sa investigating body na tumututok sa pagresolba ng krimen na nangyari sa loob ng Camp Crame.

Giit ng kongresista na kailangang makasuhan at masibak agad sa PNP ang mga pulis na responsable at sa ganitong paraan umano ay mapapatunayan ni dela Rosa na karapatdapat pa rin ito sa tiwala ni Pangulong Duterte.

Para naman kay Ka­bayan partylist Rep. Harry Roque na maaaring managot ang PNP chief kung mabigo itong lutasin ang kaso ng pagpatay sa negosyanteng Koreano. Ito ay dahil sa ilalim ng batas ay maaaring managot ang heneral dahil sa command responsibility.

vuukle comment

DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with