^

Bansa

84-taong Revised Penal Code aamyendahan

DRIVEN - Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umusad na sa Senado ang panukalang batas na mag-aamyenda sa 84-taong Revised Penal Code (RPC) kung saan ang isang kasambahay na nagnakaw ng halagang P370 ay maaring mapatawan ng parusang pagkabilanggo ng mula 12-17 taon o reclusion temporal.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon, awtor ng panukala, hindi na napapanahon ang halagang nakapaloob sa RPC na binuo noon pang 1930’s kaya maituturing na malupit at “excessive” ang parusa na labag naman sa Bill of Rights ng Konstitusyon.

Kapag naging batas, nasa 50,000 kasalukuyang bilanggo na napipiit sa iba’t ibang uri ng maliliit na krimen ang makikinabang sa panukala dahil gagawin itong retroactive o sasakupin ang mga kasong nagawa na.

Layunin ng panukala na itaas ang value ng pera na pinagbabatayan ng parusa dahil ang P250 noong 1930s ay sobrang maliit na sa ngayon.

Sinabi pa ni Drilon na maging ang Supreme Court sa kasong Lito Corpuz vs. People of the Philippines ay napuna ang kawalan ng hustisya kaugnay sa parusang ipinapataw na base sa value ng pera noong 1932.

Inaasahan namang maipapasa sa Senado ang panukala bago mag-adjourn ang Kongreso sa Hun­yo. 

vuukle comment

REVISED PENAL CODE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with