^

Bansa

Unang bagyo sa 2017 nagbabanta sa Surigao

MISS TECH - Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy na nagbabanta sa bansa ang kauna-una­hang bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taong 2017 at pinangalanang Auring.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Auring ay namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration sa layong 260 kilometro silangan  timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 55 kilometro kada oras.

Si Auring ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 7 kph.

Bunga nito, nakataas ang signal no. 1 sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Island Province.

Ang mga lugar na ito ay makakaranas ng mga pag-uulan na magdudulot ng posibleng flashfloods at landslides kaya ang mga residente doon ay pinapayuhan ng PAGASA na mag-ingat.

Ngayong Linggo ng umaga, si Auring ay nasa layong 120 kilometro silangan ng Surigao del Sur at sa Lunes ay nasa bisinidad ng San Miguel Surigao del Sur.

Inaasahang mamamalagi ng bansa si Auring nang ilang araw bago lumabas ng PAR sa Huwebes, Enero 12.

vuukle comment

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with