^

Bansa

De Lima bumuwelta kay Aguirre

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumuwelta kahapon si Senator Leila de Lima at inakusahan si Pangulong Rodrigo Duterte at mga kasabwat umano nito na siyang nag-utos na saksakin ang drug lord na si Jaybee Sebastian na diumano’y tumangging tumestigo laban sa kanya.

Ginawa ni de Lima ang pahayag bilang tugon sa akusasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirree II na may nagsiwalat umano na si de Lima at Sen. Antonio Trillanes IV ang nasa likod ng nangyaring kaguluhan sa National Bilibid Prison (NBP) noong nakaraang taon kung saan nasaksak si Sebastian.

Tinawag rin ni de Lima na “chronic liar” at walang bayag bilang kalihim ng DOJ si Aguirre at muling pinansin ang suot nitong wig.

“Aguirre is lying. He is a chronic liar like his boss, and a Secretary of Justice without balls. What do you expect from a public official who fakes his own hair?” ani de Lima.

Sabi ni de Lima, kung siya ang responsable sa pananaksak, lumalabas na pinapatakbo ang NBP ng mga “idiots” na hindi kayang bigyan ng proteksiyon ang mga high profile inmates.

Ipinunto pa ni de Lima na may kapangyarihan si Aguirre bilang DOJ Secretary pero hindi nito inaako ang responsibilidad sa nangyari sa NBP kung saan nagkaroon ng insidente ng pananaksak.

Hawak rin umano ni Aguirre ang Special Action Force ng PNP na nagbabantay sa Bilibid pero hindi ang mga ito sinisi sa nangyaring insidente at sa halip ay ibinintang umano ang insidente sa dalawang senador.

vuukle comment

SENATOR LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with