^

Bansa

Malabon Police kinontra ng magulang ng dalagitang tinamaan ng ligaw na bala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinontra ng mga magulang ng 15-anyos na dalagita na tinamaan ng ligaw na bala sa Malabon City nitong bisperas ng Bagong Taon ang iginigiit ng pulisya na may naganap na insidente ng pamamaril sa kanilang lugar.

Sinabi ni Emil Villanueva, ama ng biktimang si Emilyn Villanueva, na wala namang kaguluhan na naganap sa kanilang lugar nang bigla na lamang bumagsak ang kanyang anak dahil sa tama ng bala sa ulo habang nanonood ng fireworks malapit sa kanilang bahay sa may Sacristia Street, Brgy. San Agustin, ng naturang lungsod.

“Hindi po totoo ang sinasabi nila. Walang gulong nangyari sa lugar namin, walang nangyaring pamamaril,” ayon sa nakakatandang Villanueva na iginiit din na pawang mga pinsan at iba pang kaanak ang kasama ng anak nang maganap ang insidente kaya hindi masasangkot ang dalagita sa anumang gulo.

Mas pinaniniwalaan umano ng pamilya ang anggulo na biktima ang kanilang anak ng “indiscriminate firing” base na rin sa pahayag ng mga manggagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center na galing sa itaas ang trajectory o direksyon ng bala na tumama sa ulo ng biktima.

Nananawagan naman ng ibayong dasal ang mag-asawang Villanueva ngayon makaraang hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ng kanilang anak na nasa “deep comatose” hanggang kahapon sa JRMMC.  Nangako naman umano ang Department of Health (DOH) na sasagutin ang pagpapagamot sa kanilang anak.

vuukle comment

MALABON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with