^

Bansa

Senado naalarma: Populasyon ng Pinas, 106-M na sa Dec. 2017

BAR NONE - Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kailangan nang magpatupad ng epektibong population management ang gobyerno sa gitna ng ulat na papalo sa nasa 106 milyon ang populasyon ng Pilipinas pagsapit ng Disyembre 2017.

Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Sherwin Gatcha­lian na naniniwalang ang population management ay kailangan para masigurong magkakaroon ng maayos na pamumuhay ang mga Filipino.

Ayon kay Gatchalian, apektado ang limitadong recources ng bansa ng mataas na population growth rate lalo na ng mga nasa low income bracket.

Samantala, naniniwala naman si Sen. Chiz Escudero na nakatali ang kamay ng gobyerno sa temporary restraining order ng Supreme Court kaugnay sa batas na magiging daan sana para malimitahan ang pagtaas ng populasyon.

Ayon naman kay Sen. Tito Sotto, hindi legal ang abortifacients sa Pilipinas dahil isinusulong nito ang abortion pero patuloy umano itong tinatangkilik ng Department of Health. Naniniwala si Sotto na ang problema ay ang mahinang pagpapatupad ng Reproductive Health law.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with