Cayetano susunod na DFA secretary – Duterte
MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano ang susunod na Department of Foreign Affairs secretary.
Sinabi ni Duterte sa kaniyang panayam sa CNN Philippines na ibibigay niya ang pwesto kay Cayetano dahil babalik ng Amerika ang kasalukuyang kalihim na si Perfecto Yasay.
Nakatakdang umalis si Yasay upang ipagpatuloy ang kaniyang pagtuturo ng international law sa University of Hawaii.
Sinabi ni Duterte na pinakiusapan lamang niya ang dating roommate sa law school na pamunuan ang DFA.
Si Cayetano ang naging running mate ni Duterte nitong eleksyon, ngunit hindi pinalad na Manalo.
Samantala, wala pa naman aniyang plano sa isa pang natalong vice president candidate at dating Sen. Bongbong Marcos.
Sinabi ni Duterte na nais ni Marcos hawakan ang Department of Tourism ngunit nakasaad sa batas na isang taon ang kailangan bunuin ng mga natalong kandidato bago makapag trabahong muli sa gobyerno.
- Latest