^

Bansa

Pamilya Marcos, gobyerno pinasasagot vs Marcos burial

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinasasagot ng Korte Suprema ang pamahalaan at pamilya Marcos sa kahilingan ng ilang petitioner na tanggalin sa Libingan Ng Mga Bayani ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa katatapos na en banc session ng mga mahistrado, sinabi sa press briefing ni Atty. Theodore Te na inatasan ng Supreme Court ang Office of the Solicitor General at ang pamilya Marcos na magsumite ng komento sa inihaing motion for reconsideration  nina Albay Cong. Edcel Lagman at Satur Ocampo ng Bayan Muna.

Sampung araw ang binigay na taning ng Korte upang isumite ang kanilang komento.

Kabilang sa mga naghain ng motion for reconsideration na humihiling na mabaligtad ang naunang desisyon ng hukuman na pabor sa pagpayag ng Executive Department na mahimlay ang mga labi ni Marcos sa Libingan ay sina Ocampo, Neri Colmenares at Lagman.

Giit ng mga petitioner, hindi tamang gawing batayan ng Korte Suprema sa desisyon nito ang AFP Regulations na nagtatakda ng panuntunan sa LNMB dahil ito ay wala pang bisa makaraang madiskubre na hindi pala narehistro ang nasabing regulasyon sa National Administrative Registrar of the University of the Philippines Law Center alinsunod sa Administrative Code of 1987.

Samantala, 10 araw din ang binigay ng Korte Suprema sa kampo ng mga respondent para magkomento sa petition for contempt na inihain ng ilan sa mga petitioner sa kaso ng Marcos Burial laban sa mga opisyal ng AFP, PNP at pamilya Marcos na may kinalaman sa sorpresang paghihimlay kay ex-Pres. Marcos sa LNMB.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS

LIBINGAN NG MGA BAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with