^

Bansa

Death penalty bill lusot sa House sub-com

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Death penalty bill lusot sa House sub-com
Kabilang sa may akda ng nasabing panukala sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority leader Rodolfo Fariñas, Deputy Speakers Fred Castro at Raneo Abu, Minority leader Danilo Suarez at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na chairman ng committee on Dangerous drugs. Sa inaprubahang substitute bill, ang parusang kamatayan ay ibabalik lamang para sa mabibigat na kasong may kaugnayan sa droga.
MICHAEL VARCAS

MANILA, Philippines – Lusot na sa isang sub-committee ng Kamara ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan.

Base ito sa anim na panukalang batas na inihain ng 12 kongresista para sa pagbuhay sa naturang panukala.

Kabilang sa may akda ng nasabing panukala sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Majority leader Rodolfo Fariñas, Deputy Speakers Fred Castro at Raneo Abu, Minority leader Danilo Suarez at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na chairman ng committee on Dangerous drugs.

Sa inaprubahang substitute bill, ang parusang kamatayan ay ibabalik lamang para sa mabibigat na kasong may kaugnayan sa droga.

Tinangka namang harangin ni Akbayan Rep.Tom Villarin at Buhay partylist Rep. Lito Atienza ang pag-apruba sa panukala subalit natuloy pa rin ito sa botohan.

Ayon kay Villarin, mas­yadong minadali ng komite ang pag-apruba gayung noong mga nakaraang hearing lahat halos ng resource person ay tutol sa death penalty at maging ang kanilang mga katanungan ay hindi masagot.

Nangangamba naman si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na sa pagpasa ng death penalty bill sa komite ay isusunod na rin ng Kamara ang panukalang pagbaba ng edad ng criminal liability ng mga menor de edad.

vuukle comment

DEATH PENALTY BILL

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with