^

Bansa

P3.35-T national budget aprub na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang P3.35 trilyon national budget para sa 2017.

Nakatakdang simulan ngayon ika-10 ng umaga sa Senado ang bicameral conference committee hearing upang ayusin ang pinal na bersyon ng dalawang Kapulungan.

Dalawampung senador ang bomoto ng pabor para sa tuluyang pagpasa ng national budget na inaasahang maging ganap na batas bago matapos ang taon.

Nauna ng tiniyak ni Sen. Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance na nanguna sa pagdinig sa panukala na malaki ang maitutulong ng 2017 national budget sa paghahatid ng pagbabago ng kasalukuyang administrasyon sa mga mamamayan.

Ayon kay Legarda, P1.420 trilyon o nasa 40 porsi-yento ng kabuuang 2017 budget ang ilalaan sa social services upang matulungan ang mga mamamayan sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Samantalang ang sektor ng edukasyon ang nakakuha ng pinakamalaking slice matapos maglaan ng P546.62 bilyon para sa Department of Education.

Pumangalawa sa may pinakamalaking budget ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na lalaanan ng P443.76 bilyon.

Ang ikatlong pinakamalaking pondo ay ilalaan sa Department of Health na bibigyan ng P155.15 bilyon.

vuukle comment

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with