^

Bansa

Hiling ni Espinosa na mailipat ng kulungan sisiyasatin ng SC

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag ng Korte Suprema na kasama sa mga iimbestigahan nila ang mabagal na pag-aksyon ng Hukom sa Leyte sa kahilingan ng kampo ng pinaslang na Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. na mailipat ito ng bilangguan.

Lumilitaw sa Office of the Court Administrator ng SC na may nakabinbing motion to transfer detention ang kampo ni Espinosa na inihain sa sala ni Judge Carlos Arguelles ng Baybay City Regional Trial Court.

Sa nasabing mosyon, hiniling ng kampo ni Espinosa na maibalik sa Albuera Police Station dahil pakiramdam niya ay nanganganib ang kanyang buhay sa Leyte Provincial Jail.

Kaakibat ng kahili­ngang ito ay nagsagawa pa si Judge Arguelles ng ocular inspection sa Leyte Sub-Provincial Jail sa Baybay City nuong October 26 at saka idineklara itong submitted for resolution.

Gayunman, bago pa man madesisyunan ng mababang hukuman ang nasabing mosyon ay pinaslang na sa loob ng bilangguan si Espinosa noong Nobyembre 5.

Samantala, sinabi ni Court Administrator Jose Midas Marquez na nagtungo sa kanyang tanggapan si Judge Arguelles, gayundin si Judge Tarcelo Sabarre Jr. na Executive Judge ng Basey, Samar Regional Trial Court, ang hukom na nag-isyu ng search warrant sa CIDG na isinilbi kay Espinosa.

Ayon kay Marquez, pinaghahanda na niya ng tugon ang dalawa kasunod na rin ng utos na imbestigasyon ng Supreme Court En Banc kaugnay ng kontrobersiya sa pagkamatay ni Espinosa.

Matatandaan na inianunsiyo ni Atty. Theodore Te, spokesman ng SC na magsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pag-isyu ng search warrant laban kay Espinosa.

vuukle comment

ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with