^

Bansa

Bangsamoro transition body aprub ni Duterte

Rosette Adel - Pilipino Star Ngayon
Bangsamoro transition body aprub ni Duterte
Nagkamayan sina Pangulong Rodrigo R. Duterte kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Al Haj Murad sa pagpirma ng Executive Order sa Bangsamoro Transition Commission sa Malacañang kahapon.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines - Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na nagtatatag sa isang bagong Bangsamoro Transition Commission na papalit sa orihinal na 15-miyembrong panel na nagbabalangkas sa ligal na pundasyon ng magiging pamahalaang Bangsamoro sa Mindanao.

Mula sa bilang na 15, magiging 21 ang miyembro ng BTC.

Sa ilalim ng EO, ang 11 miyembro ng BTC ay magmumula sa Moro Islamic Liberation Front habang ang 10 pa ay inonomina ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza hihingin ng BTC ang mga opinyon ng lahat ng sektor para sa panukalang Bangsamoro bill.

Sa pamamagitan ng EO, inutos ni Duterte na pagsamahin sa isang enabling law ang mga probisyon ng 1996 agreement sa Moro National Liberation Front at ang 2014 Comprehensive Agreement on Bangsamoro sa MILF.

Sinabi ng tagapangulo ng government implementing panel na inaasahang maisusumite ng BTC sa Kongreso sa kalagitnaan ng 2017 ang burador ng batas.

vuukle comment

BANGSAMORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with