^

Bansa

De Lima sa Espinosa: Invent pa more

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “IMBENTO!”

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Leila de Lima sa patuloy na pag-uugnay sa kanyang pangalan sa listahan at affidavit ng napaslang na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa na diumano’y protektor ng ilegal na droga.

“Invent pa more. fabrication na naman talaga yan na sinasabing iyong nasa affidavit daw ako ni Mr. Espinosa, isa ako, number one raw po ako sa listahan ng mga protektor, mga beneficiaries nila,” ani de Lima.

Ayon kay de Lima, ang nasabing affidavit ay imbento lamang umano katulad ng mga pahayag sa isinagawang pagdinig sa House of Representatives.

“Katulad din ng mga inimbento nila mga kwento sa House inquiry. Lahat ng mga yan, mga non-stop, incessant, relentless acts of harassment, acts of prosecution, dahil nga ho kasinungalingan ho yan, katulad niyan yang kay Espinosa,” ani de Lima sa panayam kahapon.

Ayon pa kay de Lima, may isang report sa Cebu Daily New kung saan inihayag  umano ng isang kapatid ni Espinosa na bago namatay ang mayor, sinabi nito na iniabot lamang sa kanya ang affidavit.

vuukle comment

ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with