^

Bansa

AFP may free viewing sa Pacman-Vargas bout

SHOOTING STRAIGHT - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AFP may free viewing sa Pacman-Vargas bout
Magkakaloob ng ‘free viewing’ ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nalalapit na laban ni pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao kay Mexican boxer Jessie Vargas sa Thomas and Mack Center sa Sabado ng gabi sa Las Vegas, Nevada, USA, Linggo ng umaga naman (Nobyembre 6) sa Manila.
AP Photo/Damian Dovarganes

MANILA, Philippines - Magkakaloob ng ‘free viewing’ ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa  nalalapit na laban ni pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao kay Mexican boxer Jessie Vargas sa Thomas and Mack Center sa Sabado ng gabi sa Las Vegas, Nevada, USA, Linggo ng umaga naman (Nobyembre 6) sa Manila.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, kabilang sa lugar na pagdarausan ng live screening sa Pacman vs   Vargas ay sa AFP Wellness Center sa Camp Aguinaldo, Quezon City; AFP Medical Center sa V. Luna at mga pangunahing base ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force.

“Sa ating kasundaluhan lalo na po dito sa ating AFP Medical Center kung saan ang ating mga wounded warriors ay nag-aantay upang mapanood na naman ang kanilang peoples champ na si Manny Pacquiao sa kanyang susunod na laban kay Vargas, handa na po tayo,” ayon kay Padilla.

Ayon kay Padilla, napili nila ang AFP Medical Center para pagdausan ng live screening upang palakasin pa ang moral ng mga magigiting na sun­dalong sugatan sa combat operation na naka-confine sa nasabing pagamutan.

Samantala tulad ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte, ang fearless forecast naman ng AFP ay mana-knockout ni Pacman si Vargas.

Si Pacman ay isang reservist ng Philippine Army na may ranggong Lt. Colonel, na isa ring Executive Officer ng 1st Sarangani Infantry Battalion (Ready Reserve Force).

Pumasok si Pacman sa Army Reserve Force noong Abril 2006 bilang Sarhento at mula rito  habang patuloy ang panalo nito sa boxing ay tumaas ng tumaas ang ranggo.

Na-promote naman si Pacman sa ranggong Lt. Colonel noong 2011 matapos itong muling mag-uwi ng panalo.

vuukle comment

PACMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with