^

Bansa

Bagong bagyo nagbabantang pumasok sa bansa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabantang pumasok ngayong Huwebes ng umaga ang bagyong patuloy na binabantayan ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Alas-11 ng umaga kahapon, ang bagyo ay namataan sa layong 1,315 kilometro silangan ng Visayas taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 55 kilometro bawat  oras.

Ang bagyo ay kumikilos sa bilis na 15 kilometro bawat oras sa may kanluran hilagang kanluran.

Oras na pumasok ngayong araw ang bagyo, ito ay tatawaging Marce. Samantala, isa pang bagyo ang patuloy na binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR. Gayunman, maliit naman ang tsansa nito na makapasok sa PAR.

Ang ikalawang bagyo ay huling namataan sa layong 2,839 kilometro silangan ng Luzon na may lakas din ng hangin na 45 kilometro bawat oras at pagbugso na 55 kilometro bawat oras.

Ang galaw nito ay kapareho rin ng unang bagyo na kumikilos pakanluran hilagang kanluran.

Mahina naman hanggang sa katamtaman na pag-ulan ang mararanasan sa Visayas, Mindanao, Bicol Region at mga lalawigan ng Cagayan, Apayao, Ilocos Norte at Isabela gayundin sa  Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon lalu na sa hapon o gabi.

vuukle comment

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with