^

Bansa

Lokal na armas tangkilikin - Recto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lokal na armas tangkilikin - Recto
Ayon kay Sen. Ralph Recto, dapat magsilbing hudyat sa gobyerno ang naging desisyon ng Amerika upang isulong ang isang programa na gumawa ng sariling armas para sa militar at pulisya.
Ralphrecto.ph

MANILA, Philippines – Matapos isnabin ng Amerika ang Pilipinas kaugnay sa pagbebenta ng armas sa Philippine National Police, iginiit ni Sen. Ralph Recto na dapat tangkilikin na  ng gobyerno ang local arms industry.

Ayon kay Recto, dapat magsilbing hudyat sa gobyerno ang naging desisyon ng Amerika upang isulong ang isang programa na gumawa ng sariling armas para sa militar at pulisya.

Inihinto ng US State Department  ang pagbebenta ng 26,000 assault rifles sa PNP dahil sa banat ng isang US senator kaugnay  sa nangyayaring human rights abuses umano sa bansa.

“It is a wake-up call for us to stop totally relying on foreign suppliers,” ani Recto.

Dapat na niyang tangkilikin ang domestic industries para sa pangangailangan ng equipment ng militar at pulisya.

Hindi rin aniya tama na mula sa helmet hanggang sa boots ay imported kung maaari namang tangkilikin ang mga local na produkto.

Sinabi pa ni Recto na nai-export na rin ang mga lokal na baril ng bansa sa mahabang panahon.

“What is Made in Marikina is as good as what is Made in America. There are many of them, from boat builders to vehicle manufacturers, who can step up to the plate once there are firm orders from the government,”ani  Recto.

Maaari rin aniyang ang mga car manufacturing ng bansa na ang mag-suplay ng sasakyan sa military at pulisya at huwag ng kumuha sa ibang bansa.

Kung bibili anya ng mga produktong lokal ang gobyerno, mas marami ang malilikhang trabaho lalo pa’t ang gobyerno ang itinuturing na pinakamalaking shopper ng mga supplies at equipment.

vuukle comment

RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with