^

Bansa

Pinay ni-rape slay sa Oman

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos ang sinapit ng isang overseas Filipino worker (OFW) matapos na hinihinalang ginahasa muna bago brutal na pinatay at itapon sa creek ang katawan nito malapit sa isang mosque sa Oman.

Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Embahada ng Pilipinas, kinilala ang Pinay na si Pinky Pamittan, na magseselebra sana ng kanyang ika-32 kaarawan sa Nob 6, at isang hotel restaurant waitress sa Muscat. Siya ay iniulat na nawawala noong Huwebes matapos mabigo na pumasok sa kanyang trabaho ng may dalawang araw.

Base sa ulat ng Times of Oman, Biyernes na nang matagpuan ang bangkay ni Pamittan sa wadi malapit sa Sultan Oaboos Grand Mosque.

May tatlong hinihinalang suspect na ang inaresto ng Royal Oman Police na inuugnay sa umano’y sexual assault at murder sa nasabing Pinay.

Lumalabas na nangyari ang insidente noong Miyerkules matapos na ireport ng management ng hotel na pinapasukan ng Pinay ang pagkawala nito.

Nabatid na nagtungo si Pamittan sa Oman upang magtrabaho sa tourism industry upang makaipon ng pera para maisuporta sa kanyang batang anak na lalaki na nasa Pilipinas.

Nakatakdang tumungo sa Oman ang ina ng Pinay na si Gng. Alice Pamittan mula Amman, Jordan upang alamin ang ibang detalye sa pagkasawi ng anak at sampahan ng kaso ang mga suspek.

vuukle comment

OMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with