^

Bansa

1,500 PRC personnel nakakalat sa mga sementeryo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kabuuang 1,500 na personnel at volunteer mula sa Philippine Red Cross (PRC) ang nakakalat ngayon sa 243 na mga sementeryo sa buong bansa.

Pinakilos rin ng PRC ang 102 chapters at subchapters nito sa buong bansa upang magbigay ng ayuda at pagtiyak sa kaligtasan ng publiko na magtutungo ngayong araw sa sementeryo para maitirik ng kandila, mag-alay ng bulaklak at dasal sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay.

 Nagtayo na rin ang PRC ng first aid stations at nagpakalat ng 61 ambulansya sa mga pangunahing highways sa bansa tulad ng North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX) at Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX).

“This is the time of the year when families gather to remember their departed loved ones. So our goal at the Philippine Red Cross is to keep our fellow Filipinos safe at all times and give them the best assistance they need,” ayon kay PRC Chairman Richard Gordon.

Pinayuhan ng PRC ang publiko na magsuot ng mga light colored na damit, magbaon ng sariling tubig at pagkain at umiwas sa pag-inom ng mga nakalala­sing na inumin sa kanilang pagbiyahe at pagtungo sa mga sementeryo.

Pinaalalahanan din ang mga magulang na huwag nang dalhin ang mga anak sa mga lugar na masyadong maraming tao upang makaiwas sa anumang health hazards.

Sa panahon ng emergency, na may kinalaman sa Undas, pinayuhan naman ng PRC ang publiko na kontakin sila sa kanilang Hotline na 143, Trunkline na 790-2300, at Operations Center: 790-2344 to 45 or 0917-806-8513.

vuukle comment

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with