^

Bansa

Pinoy fishermen, pinayagan nang mangisda sa Scarborough

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon
Pinoy fishermen, pinayagan nang mangisda sa Scarborough
Base sa report, pina­yagan nang maglayag at makapangisda ang mga Filipino fishermen sa Scarborough Shoal nang hindi itinataboy ng mga Chinese troops na patuloy na nagpapatrolya sa pinag-aagawang shoal.
Renato Etac via AP, File

MANILA, Philippines – Nagsimula nang makapangisda nang malaya ang mga Pinoy sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal sa West Philippine Sea (South China Sea).

Base sa report, pina­yagan nang maglayag at makapangisda ang mga Filipino fishermen sa Scarborough Shoal nang hindi itinataboy ng mga Chinese troops na patuloy na nagpapatrolya sa pinag-aagawang shoal.

Labis na ikinatuwa ng mga mangingisda nang makakuha sila ng maraming isda sa shoal nang hindi pinipigilan o ginigipit ng tropa ng mga Tsino. 

Dahil dito, ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kaganapan sa shoal kasunod na rin ng pakiki­pag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping at ibang lider matapos ang kanyang state visit sa China nitong Oktubre 18-21.

Matapos ang pagbi­sita, sinabi ni Duterte na ilang araw na lamang ay inaasahan nang makakapangisda na ang mga Pinoy sa Panatag shoal.

“We wait a few more days at baka makabalik na tayo sa Scarborough Shoal, ang pangingisda ng ating mga kababa­yan,” unang pahayag ng Pangulo matapos ang pagbisita nito sa mga biktima ng bagyong Lawin sa Tuguegarao, Cagayan.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “most welcome” ang hakbang ng China na payagan nang makapa­ngisda ang mga Pinoy sa shoal, may 228 kilometro sa hilagang bahagi ng Pilipinas, na siyang pa­ngunahing pinagkukunan ng kanilang pangkabuhayan.

Nilinaw naman ni Lorenzana na nananatili pa sa shoal ang Chinese Coast Guard subalit hindi na nila hina-harass ang mga mangingisdang Pinoy. Ito ay kasunod sa ulat na umalis na ang tropa ng mga Tsino sa Scarborough Shoal. 

Nabatid na wala pang malinaw kung hanggang kailan pahihintulutan ng China na makapangisda ang mga Pinoy sa kanilang sariling teritoryo sa WPS sa kabila ng ipinalabas na ruling ng United Nations arbitral tribunal nitong Hulyo na pumapabor sa Pilipinas laban sa China na mananatiling malaya ang mga mangingisda sa tinaguriang “common fishing ground” sa  South China Sea o WPS.

Samantala, bukas naman sa US sa katauhan ni Deputy Secretary of State Antony Blinken ang ulat na “withdrawal” ng Chinese troops sa Scarborough Shoal.

vuukle comment

SCARBOROUGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with