^

Bansa

Katiwalian sa nakaraang administrasyon, bubusisiin 200,000 biktima ng ‘Yolanda’, walang nakuhang tulong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni Department of Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na nasa 200,000 katao na biktima ng bagyong Yolanda ang initsapwera ng nakaraang administrasyon at walang nakuhang tulong mula sa gobyernong Aquino.

Ayon kay Sec. Taguiwalo, ang nasabing mga biktima ng ‘Yolanda’ na hindi nakakuha ng tulong mula sa nakaraang pamunuan ng DSWD ay mula sa Region 6 at Region 8.

Aniya, ang report ay isinumite na nila sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa natuklasan nilang ‘katiwalian’ sa pondo na para sa Yolanda victims.

Idinagdag pa ni Taguiwalo, sinimulan nila ang imbestigasyon sa Yolanda fund donations nang maupo sila noong Hulyo dahil na rin sa kahilingan ng mga biktima ng bagyo.

Samantala, siniguro rin naman ng kalihim na hindi na mauulit ang nangyaring katiwalian sa mga biktima ng Yolanda sa mga biktima ng bagyong Lawin.

Sinabi ni Sec. Taguiwalo sa media briefing sa Malacañang, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibigay sa mga biktima ng bagyo ang nararapat na tulong para sa kanila.

Aniya, hindi naman nagyayabang ang gobyernong Duterte at DSWD ng sabihin nitong hindi dapat umasa sa mga foreign assistance sa panahon ng kalamidad bagkus ay dapat magkaisa at magtulong-tulong ang bawat Filipino upang ayudahan ang mga kababayang nasalanta ng bagyo.

Siniguro din ng DSWD chief na wala nang masisira o mae-expired na relief goods at nabubulok sa kanilang mga bodega bagkus ay ihahatid kaagad ang tulong sa mga biktima ng bagyo.

“In safeguarding our relief goods, we also have policies in place. We have to monitor closely the expiration dates of our goods,” dagdag pa ni Taguiwalo.

vuukle comment

YOLANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with