^

Bansa

Konsehal, 1 pa patay sa tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napa­tay ng riding in tandem ang dalawa katao kabilang ang isang konsehal ng riding in tandem sa Purok 4, Brgy. Mangino, Gapan City, Nueva Ecija Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na si Gapan City Councilor Sonny San Jose, 40 at Antonio Punzal, residente ng Brgy. Sto. Cristo ng lungsod.

Sa ulat ng Gapan City Police, naitala ang krimen sa bisinidad ng nasabing lugar dakong ala-1 ng hapon.

Ayon sa imbestigas­yon, kararating lamang ng mga biktima sa tahanan ng isang tinukoy  sa pangalang Ruel Francisco nang sumulpot ang motorcycle riding na mga armadong salarin.

Armado ng cal. 45 pistol ay agad ng mga itong pinagbabaril ang mga biktima na siyang agarang kumitil sa buhay ng mga ito.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.

vuukle comment

KONSEHAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with