^

Bansa

Internet sinisi sa pagdami ng nabubuntis na mga kabataan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa ang internet sa mga dahilan kung bakit biglang tumaas ang bilang ng mga nabubuntis na kabataan.

Ito ang lumabas kahapon sa imbestigasyon ng Senate committee on education, arts and culture na pinamumunuan ni Sen. Bam Aquino tungkol sa resolusyon na naglalayong alamin ang implementasyon ng reproductive health education sa mga eskuwelahan.

Ayon kay Chief Supt. Carlos de Sagun ng Public Information Division ng Philippine National Police, dati ay sa ilang tabloids lamang na naglalathala ng tungkol sa sex nakakabasa ng malalaswa ang mga kabataan, pero sa ngayon ay mas naging madali na ito para sa kanila dahil sa internet. 

Umaabot umano sa 24 kada oras ang unwanted pregnancy sa bansa araw-araw dahil naiimpluwensiyahan ang mga kabataan ng mga nababasa at napapanood nila sa internet.

Ayon pa kay Sagun, dapat ay magkaroon ng isang resource person sa bawat eskuwelahan na ang ituturo lamang ay tungkol sa  reproductive education partikular ang pag-iwas sa teen-age pregnancy.

Naniniwala naman si Commissioner Percival Cedana ng National Youth Commission na dapat ay turuan kaagad ang mga kabataan kung papaano gumamit ng condom.

Humarap rin sa pagdinig si Maribel Dionision na isang parenting at relationship consultant na nagsabing dati ay sa high school lamang itinuturo ang sex education pero sa ngayon ay mas bumabata na ang nagtatanong tungkol sa sex kaya itinuturo na rin ito maging sa elementarya.

vuukle comment

KABATAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with