Armas pandigma kaloob ng US military sa Philippine Marines
MANILA, Philippines - Nagdonasyon ng mga armas pandigma na panlaban sa terorismo ang mga kinatawan ng Joint United States Military Assistance Group (JUSMAG) sa Philippine Marine Special Operations Group (MARSOG) sa Clark Air Base, Pampanga .
Ito ang iniulat kahapon ng US Embassy matapos naman ang katatapos na Philippine Amphibious Assault Landing Exercises sa pagitan ng PH at US troops na idinaos sa bansa.
Gayundin sa matibay na alyansa ng PH at US troops simula pa noong 1951 o nasa mahigit 70 taon na .
Ang nasabing donasyon ay sa kabila ng maanghang na patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay US President Barack Obama, European Union at maging sa United Nations na kinuwestiyon ang paglabag sa karapatang pantao sa anti-drug war ng pamahalaan.
“The equipment, for use in counterterrorism and fast boat operations, included tactical Harris radios, ballistic helmets, and diving gear, among other items. The military equipment was transferred under a U.S. grant program aimed at assisting security forces conducting counterterrorism operations”, pahayag ng US Embassy sa isang press statement na ipinadala sa Defense Press Corps.
Samantalang tumanggap rin ang MARSOG , Philippine Coast Guard at ang PNP-Special Action Force ng anim na pallets ng mga bagong communications equiptment mula sa pamahalaan ng Estados Unidos.
- Latest