^

Bansa

EJK probe sa Senado tapos na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos na kahapon ng Senate committee on justice and human rights na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon ang pagdinig tungkol sa extrajudicial killings.

 Ayon kay Sen. Gordon, sapat na ang nakalap nilang impormasyon para mabuo ang gagawing committee report.

 Tiniyak din ni Gordon na sa Lunes ay maipalalabas na nila ang report ng committee kung saan inaasahan ang pagbibigay ng mga rekomendasyon tungkol sa bubuuing batas para masawata ang EJK.

 Bago tapusin ang pagdinig kahapon, binigyan ng pagkakataon ni Gordon si Commission on Human Rights Chairman Jose Luis Martin Gascon na magsalita.

 Maikli lamang ang naging pahayag ni Gascon kung saan sinabi nito na nakahanda ang CHR na makipagtulungan sa Senado sa anumang oras upang lumabas ang katotohanan.

 “We are always prepared to assist the Senate committees in finding out the truth,” ani Gascon.

 Sa pagsisimula ng pagdinig, nagkainitan sina Gordon at Senator Leila de Lima matapos igiit ng senadora na bigyan ng pagkakataon na magsalita si Gascon para ibigay ang panig ng CHR kaugnay sa ginawang pagbatikos ni Commissioner Roberto Eugenio Cadiz Jr. kay Gordon.

 Pinanindigan ni Gordon na hindi isalang sa imbestigasyon ang mga testigo ng CHR at sa halip ay isinalang ang mga director generals ng Philippine National Police.

 Sa pagtatapos, tiniyak  ni Gordon na kinokondena niya ang mga pagpatay lalo na yong mga hindi naipapaliwanag ng maayos.

 Nilinaw rin ni Gordon na inirerespeto nila ang buhay ng tao at itinuturing itong sagrado.

vuukle comment

EJK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with