^

Bansa

Mega rehab center sa Nueva Ecija bubuksan sa Nobyembre - DOH

RATED A - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mega rehab center sa Nueva Ecija bubuksan sa Nobyembre - DOH
Tinatayang nasa 10,000 kama na ang nasa ‘mega’ rehabilitation center ng mga drug addicts ang bubuksan sa Nobyembre sa Nueva Ecija.

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa 10,000 kama na ang nasa  ‘mega’ rehabilitation center ng mga drug addicts ang  bubuksan sa Nobyembre sa Nueva Ecija.

Ito naman ang binigyan  diin ni Health Secretary Paulyn Ubial kung saan 2,500 kama ang  ibibigay sa October 15 habang  ang 7,500 beds  ay dadalhin sa November 16.

Ang nasabing rehab center ay ipinatayo sa loob ng Fort Magsaysay na si Huang Ru Lu na isang philanthropist  mula sa China.

Sinabi ni Ubial na si Huang mismo ang nagtanong kay Pangulong Rody Duterte hinggil sa kung ano ang maaari nitong maitulong sa bansa. 

Nilinaw din ni Ubial na walang presyong nakalagay sa kanyang pinirmahan na donation paper at sa halip ay tanging 100,000 sqm. na pasilidad na kayang tumanggap ng 10,000 beds ang nakasaad sa nasabing dokumento.

“The goal is to establish two mega treatment rehab centers in Luzon, one in the Visayas and one in Min­danao,”  dagga pa ni Ubial. 

Umaabot sa 720,000 drug addicts ang sumuko na at 15,000  dito at nearest sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Dagdag pa ni Ubial, na ang mga drug user o drug dependent ay hindi kaaway ng batas sa halip ang mga ito ay biktima ng drug trade sa bansa.

vuukle comment

NUEVA ECIJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with