^

Bansa

Digong tinawag na ‘serial killer’: French paper kinastigo ng Palasyo

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinastigo kahapon ng Malacañang ang isang French paper kung saan tinawag na ‘serial killer’ si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa inilunsad na giyera kontra illegal drugs.

“It’s irresponsible the way they have termed it and the way they have carelessly used this word and their media power to paint the Philippines in such a way,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Sa lumabas na headline ng The Liberation, isang national daily newspaper sa France, bumida si Pangulong Duterte matapos ilathala sa titulo ng 4-pahinang istorya si Duterte bilang “serial killer president” dahil sa umano’y madugong “war on drugs” nito.

Sabi ni Abella, walang kinalaman ang gobyerno sa extra judicial killings na nagaganap sa bansa dahil mahigpit ang tagubilin ni Pangulong Duterte na sundin ang batas.

“For the longest time kasi, hindi siya (drug) binigyang pansin, binigyang-tuon. Ngayon, napakalaki na so drastic measures have to be taken for drastic situations. But we appreciate the President, lagi niyang sinasabi, kahit very colorful ‘yung language niya, na in practice, everything has to be done with regularity,” paliwanag pa ng tagapagsalita ng Malacañang.

Tinawag naman ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno na “very unfair” para kay Pangulong Duterte ang pagbansag sa huli na isang serial killer.

“Kung hindi ito ginagawa ni Pangulong Duterte, magiging narco-state tayo… Sa aming pananaw, walang extrajudicial killings dito dahil karamihan sa mga namamatay ay ‘yung mga lumalaban sa kapulisan,” sa isang panayam kay Sueno sa radio DZMM kahapon.

Kabilang sa nilalaman ng istorya ang mga maanghang na pagbanat ni Duterte kay US Pres. Barack Obama at Pope Francis at sa kontrobersyal na pahayag nito na mag-aala-Hitler sa pagpatay sa may 3 milyong drug users at pushers sa Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with