Biyahe sa Brunei ng Pangulo kinansela
MANILA, Philippines – Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang pagbiyahe sa Brunei dahil sa nangyaring pagpapasabog sa Davao City kamakalawa ng gabi.
Kinumpirma ni Communications Secretary Martin Andanar na hindi na bibiyahe ang Pangulo sa nasabing bansa.
Nakatakda sanang bumisita ang Pangulo sa Brunei ngayong araw hanggang sa Setyembre 5 upang makipagpulong sa lider nito na si Sultan Hassanal Bolkiah at sa mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa nasabing bansa.
Bagaman at hindi na itutuloy ang biyehe sa Brunei, dadalo pa rin ang Pangulo sa opisyal na biyahe nito sa Laos para sa pagpupulong ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit mula Setyembre 6 hanggang 8 at pagkatapos ay tutuloy ito sa Indonesia sa Setyembre 9.
Kabilang sa 30-man Philippine delegation sina Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, at Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.
- Latest