^

Bansa

De Lima, driver ‘gigisahin’ sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipatatawag ng Kamara de Representantes sina Senator Leila de Lima at ang kontrobersyal na da­ting driver-bodyguard nito na si Ronnie Dayan para humarap sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagkalat ng illegal na droga sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Nilinaw naman ni House Appropriations Committee chairman at Davao Rep. Karlo Alexie Nograles, na ang pagpapatawag kay Dayan ay hindi para isentro ang relasyon nito kay De Lima kundi para ungkatin ang pagkakasangkot ng driver bodyguard nito sa droga.

Maaari umanong imbitahan ng Kamara ang Senadora subalit nasa diskresyon na nito kung dadalo o hindi alinsunod na rin sa umiiral na inter-parliamentary courtesy.

Bukod sa dalawa, ayon naman kay Deputy Speaker Sharon Garin, maaari ring ipatawag ang mga convicted drug lords na nakakapiit sa National Bilibid Prison (NBP) para direktang makuha ang kanilang paliwanag kaugnay sa drug operations sa loob ng Bilibid. Subalit kailangan pa rin umanong pag-aralan ang mga proseso at protocols kung dadalhin sila sa Kamara o kung ang mga kongresista na lamang ang pupunta sa NBP para doon mag-hearing.

Nilinaw naman ni De­puty Speaker Gwen Garcia, na ang gagawing imbestigasyon sa isyu ng paglaganap ng droga at iba pang illegal na gawain sa NBP noong nasa pamamahala pa ito ni de Lima ay “in aid of legislation”. Ito ay upang matukoy umano kung ano ang mali sa sistema sa loob ng NBP, mapalakas ang umiiral na batas at makagawa pa ng panibagong batas kung kinakailangan.

Bukod sa Senadora at bodyguard nito ay ipatatawag din sa imbestigasyon ang mga nagdaang mga opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor) at NBP.

Matatandaan na nag­hain ang liderato ng Kamara ng House Resolution 105 para magsagawa ng imbestigasyon sa pagkalat ng illegal na droga sa NBP noong kalihim pa ng DOJ ang Senadora.

Nauna rito, sinabi ni De Lima na nagtatago na ang kanyang driver-bodyguard dahil sa pangamba sa kanyang buhay matapos ang pagbubunyag ng Pangulo na siyang nangongolekta umano ng drug money sa NBP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with