^

Bansa

Digong ‘di pwedeng makialam sa Senate presidency – Sotto

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang karapatang makialam sa liderato ng Senado si President Elect Rodrigo Duterte dahil sa talo lahat ang senatoriables nito mula sa PDP-Laban.

Ayon kay Senador Tito Sotto, boses na ng taumbayan ang nagsa­lita nang manalo ang pito sa 12 Senador noong nakaraang halalan na pawang mula sa Liberal Party (LP) at hindi sa partido ni Duterte na PDP-Laban.

“Pag nakinig ka sa sinabi ng tao...7 sa 12 nasa line-up ni Mar Roxas. No one from the line-up of PDP-Laban, siguro alam niya yon,” sinabi pa ni Sotto.

Paliwanag pa ng Senador na wala namang nanalong senador mula sa PDP-Laban kaya naman hindi na rin dapat nakikialam sa isyu ng Senate presidency si Duterte.

Matatandaan na una ng sinabi ni Sotto na walong senador na kaalyado nito ang hindi pabor sa pagbibigay limitasyon sa paghawak sa mga Senate committees na siyang gusto ni Sen. Alan Peter Cayetano sakaling siya ang maupong Senate president kaya naman umanib sila kay Sen. Koko Pimentel na nangako naman na mananatili sila sa majority at makukuha ang mga juicy posts.

Partikular umano na tinututulan ni Cayetano na running mate ni Duterte noong eleksyon na maupo sa makapangyarihang komite sa Senado ang mga kritiko ni Duterte subalit ito naman ang isinusulong nila.

Nanindigan din si Sotto na ang public order committee chairmanship para kay Sen. Panfilo Lacson at Justice committee chairmanship na alok naman kay Sen Leila de Lima ay akma lamang sa kanila dahil sa kanilang expertise sa nasabing larangan at hindi naman isyu dito kung kaalyado man o hindi ng susunod na administrasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with