^

Bansa

Terrorist massacre: 50 utas sa Florida

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang 50 katao matapos na walang habas na mamaril ang isang 29-anyos na sinasabing miyembro ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) sa isang gay nightclub sa Orlando, Florida, USA, iniulat kahapon.

Sa ulat , ang suspek sa pamamaril ay nakilalang si Omar Mateen, isang American citizen, ng Fort Peirce, Florida, na armado ng AR-15 rifle na siyang pinang-spray nito ng bala sa mga party-goers na nag-iinuman, at nagsasayawan sa loob ng Pulse gay nightclub.

Nabatid na pasarado na ang nasabing club nang biglang paulanan ng bala ni Mateen ang mga taong nagkakasayahan.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na wala pang ulat ang Embahada ng Pilipinas sa US na may Pinoy casualty sa insidente.

Ayon sa report, pinaputukan ni Mateen ng 20 rounds na sinundan ng 40-50 rounds o mas marami pang bala ang mga nasa loob ng nightclub. Pinagbabaril din niya ang mga pulis na rumesponde sa lugar at kumuha pa siya ng mga hostages.

Gayunman, napatay si Mateen ng mga miyembro ng Orlando Police at Special Weapons and Tactics (SWAT) team sa kanilang sagupaan.

Matapos ang walang pakundangang pamamaril, 50 katao na karamihan ay miyembro ng LGBT ang bumulagta sa lugar habang 53 katao pa ang nasa kritikal na kondisyon.

Nauna sa insidente, nanumpa pa umano si Mateen ng kanyang katapatan at pagiging mi­yembro ng ISIS mula sa isang tawag sa 911 noong Sabado ng gabi at binabanggit pa ang Boston marathon bombers.

Lumalabas sa nakalap na impormasyon ng US Department of Homeland Security na may koneksyon si Mateen sa ISIS. Tinatrato ng US authorities ang pamamaril na isang “act of terrorism” at “act of hate”.  Sinasabing ito na ang pinaka-deadliest mass shooting sa kasaysayan sa Estados Unidos.

vuukle comment

TAGUIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with