^

Bansa

PNP na protektor ng gambling lords, kakalusin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbabala si incoming Philippine National Police (PNP) Chief P/Chief Supt. Ronald “Bato” de la Rosa na bukod sa mga protektor ng ilegal na droga ay kakalusin rin niya ang mga opisyal at tauhan ng pulisya na nagsisilbing protektor ng illegal number game ng mga gambling lords partikular na ang jueteng.

Sinabi ni de la Rosa na may mga listahan na siya ng mga pulis na kumukubra ng payola sa mga gambling lords na kaniyang sasampulan pag-upo niya sa puwesto.

“We have our list. We don’t need to announce what are we going to do but we will do our work,” pahayag ni de la Rosa.

Si de la Rosa , miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1986 ay siyang nahirang ni Duterte na maging PNP Chief pag-upo niya sa puwesto bilang ika -16 Pangulo ng bansa.

Binigyang diin ni de la Rosa, determinado siyang linisin sa mga scalawags ang hanay ng PNP  dahilan ang mga ito ang mga bulok na itlog na sumisira sa organisasyon.

Ayon kay de la Rosa, pag-upo niya sa puwesto ang una niyang marching order sa kapulisan ay tugisin ang lahat ng mga kriminal na sangkot sa mga illegal na aktibidades sa komunidad.

vuukle comment

BAN KI-MOON

EXTRAJUDICIAL KILLING

HUMAN RIGHTS

RODRIGO DUTERTE

UNITED NATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with