2 Abu Sayyaf, arestado
MANILA, Philippines - Dalawang berdugong Abu Sayyaf Group na sangkot sa kidnap-for-ransom at pamumugot sa mga hostage ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang operasyon sa bisinidad ng Governor Camins Avenue, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur noong Lunes ng gabi.
Isinailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Alhnur Bacalso Usup , 28, gumagamit ng mga alyas Arab-Arab, Arab Puti, at Aldin Usup; at kasamahan nitong si Jamal Sapie Labuan, 32.
Bandang alas -11:45 ng gabi nang masakote ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng Public Safety Company, Special Weapons and Tactics (SWAT) team at iba pang units ng pulisya sa nirentahang apartment sa nasabing lugar.
Ayon kay P/Chief Insp. Rogelio Alabata, ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Betlee-lan Baraquias ng Parang Regional Trial Court, Branch 4 sa Sulu kaugnay ng Talipao massacre noong 2014.
Narekober sa mga suspek ang dalawang motorsiklo, 3 plastic sachet ng shabu, granada, at mga drug paraphernalia.
Ang dalawang motorsiklo na kinarnap ng mga suspek ay sinasabing pag-aari nina Elmer Romualdo at Benedick Rojas.
- Latest