^

Bansa

Nanalong senador, partylist ipoproklama na bukas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipoproklama na bukas ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nanalong senador at party-list sa nakaraang May 9 elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, naniniwala siyang sapat na ang panahon upang iproklama ang mga nanalo sa halalan matapos ang  canvassing na ginawa sa PICC kung saan nagsilbing National Board of Canvassers (NBOC) ang Comelec.

Paliwanag ni Guanzon, sabay-sabay ang proklamasyon ng 12 na­nalong senador, hindi kagaya ng mga nakaraang eleksyon kung saan nagkaroon ng partial proclamation.

Nabatid na mayroong mga senatorial candidate ang humihiling na mapaaga sana ang proklamasyon ngunit nanindigan ang poll body na sa Huwebes gagawin ang simultaneous proclamation.

Sinabi ni  Guanzon na umabot sa 164 certificates of canvass ang nabilang sa nakaraang halalan.

Batay sa partial and unofficial tally, nangu­nguna pa rin sina Sena­te President Franklin Drilon na sinusundan naman ni da­ting TESDA director general Joel Villanueva. 

Kabilang pa rin sa top 12 sina Sen. Vicente Sotto III; dating Senador Panfilo Lacson;  da­ting Senador Richard Gordon; da­ting  Senador Juan Miguel Zubiri; Sarangani Rep. Manny Pacquiao; dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros; dating  Sen. Francis Pangilinan; Valenzuela City Rep. Sherwin Gatchalian; Sen. Ralph Recto; at da­ting  Justice Secretary Leila de Lima.

Samantala, sinabi naman ni Comelec Chairman Andres Bautista, na bubusisiin nila kung may epek­to pa ang mga CoCs sa dalawang senador na nasa ika-12 at ika-13 pwesto para maiproklama na ang 12 senador pagkatapos ng canvassing.

Partikular na apektado sa proklamasyon sina de Lima at Tolentino kung saan, nasa mahigit isang milyon ang kalamangan ni De Lima.

Nabatid na kahapon ay hiniling ng abogado ni De Lima na si Atty. Donnah Camitan sa Comelec na iproklama na ang mga senador kapag hindi apek­tado ng mga natitirang CoCs ang ranking ng mga senador na kabilang sa top 12.

Pero agad naman itong inalmahan ng abogado ni Tolentino na si Atty. Wanda Talosig dahil sa discre­pancies ng mga boto na lumabas sa transparency server ng Comelec at central server.

vuukle comment

AMERIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with