Selebrasyon ng Chinese New Year sa Quezon City, pangungunahan ni VM Joy B
Angie dela Cruz (The Philippine Star) - February 1, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pangungunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang sa ikatlong  taong selebrasyon ng QC government sa Chinese New Year sa Lunes, February 8 sa Chinatown   sa Banawe  sa naturang lunsod.

Sinasabing mas simple ang selebrasyon ngayong taon ng Chinese New Year sa lungsod dahil wala ng magaganap na street party at concert kundi dragon at lion dance lamang at fireworks.

Gayunman, sinabi ni Belmonte, bilang tourism czar ng QC na patuloy ang dagdag na  major developments na gagawin sa Chinatown sa kahabaan ng Banawe Street upang ganap itong maging major tourism district sa lungsod.

Kasama sa improvement ng Chinatown ang physical environment ng Banawe street at pagkakaroon ng matinding seguridad doon.

Katulong ng QC sa tagumpay ng pagdiriwang ng Chinese New Year sa QC Chinatown sa Banawe sa lungsod ang  Chinatown Development Foundation, Inc. at  QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc.

ASSOCIATION OF FILIPINO-CHINESE BUSINESSMEN INC BANAWE BANAWE STREET BELMONTE CHINATOWN DEVELOPMENT FOUNDATION CHINESE NEW YEAR GAYUNMAN KASAMA KATULONG NBSP QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with