^

Bansa

Palasyo malamig sa SSS pension hike

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinahiwatig kahapon ng Malacañang na hindi pa tiyak kung aaprubahan ni Pangulong Aquino ang panukalang batas na naglalayong itaas ang tinatanggap ng mga pensionadong miyembro ng Social Security System (SSS).

Ayon kay Usec. Manuel Quezon ng Presidential Communications Operations Office, ‘mabigat’ pang tinatalakay at pinag-aaralan ang nasabing panukala.

Tahasang sinabi ni Quezon na mas iiksi ang buhay ng SSS kung biglang itataas ang pensiyon ng mga miyembro na dapat ay mapakinabangan ng mas mahabang panahon.

“Isipin natin na ang ating SSS ay may pondo…na nanggagaling sa ating mga kontribusyon ang puhunan ng SSS at mula rito doon niya binabayaran ang mga obligasyon niya, hindi lang sa kasalukuyan kundi para sa mga susunod na mga benepisyo. ‘Di ba, tayo may maaasahan tayo ‘pag nag-retire tayo? Babalik sa atin in the form of loans or ‘yung benefits natin. Ngayon, kung biglaang itataas ito, iiksi ang buhay ng SSS,” ani Quezon.

Sinabi pa ni Quezon na dapat ring isipin ang hindi magandang epekto kung itataas ang tinatanggap na pension ng mga miyembro.

“Siyempre, lahat tayo gusto natin lalaki ang ating matatanggap mula sa binabayaran natin sa SSS ngunit hindi lang tayo mag-isa; in other words, ang mga kasalukuyang mag-be-benefit mula rito. Kailangan din nating isipin ‘yung mga down the road. So pinag-aaralan ito,” ani Quezon.

Sinabi ni Quezon na puwede namang magkaroon ng “compromise” pero wala pa ring impormasyon kung lalagdaan ng Pangulo ang panukala.

Ipinaliwanag pa ni Quezon na kung ive-veto ng Pangulo ang panukala dahil hindi siya sang-ayon dito ay ibabalik niya ito sa Kongreso.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

MANUEL QUEZON

MGA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

QUEZON

SINABI

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with