^

Bansa

Habang nananalanta si ‘Nona’ sa Luzon, 1 pang LPA nagbabanta

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makaraang mag-landfall ang bagyong Nona kahapon ng umaga sa ika-5 pagkakataon sa Pinamalayan Oriental Mindoro, isa na namang low pressure area ang nagbabantang pumasok sa bansa.

Sinabi ni Aldczar Aurelio, PagAsa weather forecaster, alas -10:30 ng umaga kahapon nang mag-landfall sa ika-5 pagkakataon si Nona habang ang panibagong LPA ay namataan sa layong 1,800 kilometro silangan timog-silangan ng Mindanao.

Taglay ni Nona ang lakas ng hangin na umaabot sa 140 kilometro kada oras at may pagbugso na 170 kilometro bawat oras.

Sinabi ni Aurelio na hihina si Nona hanggang sa maging isang tropical storm na lamang bago lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa darating na Biyernes bilang isang LPA.

Gayunman, nakataas pa rin ang signal no. 3 sa Calamian group of Islands, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro kasama na ang  Lubang Island.

Signal No. 2 sa Ma­rin­duque, Romblon at Batangas at signal No. 1 sa Metro Manila, Bataan, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Quezon, Burias Island at Northern Palawan kasama na ang Cuyo Island.

vuukle comment

ACIRC

ALDCZAR AURELIO

ANG

BURIAS ISLAND

CUYO ISLAND

LUBANG ISLAND

METRO MANILA

NORTHERN PALAWAN

OCCIDENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO

PINAMALAYAN ORIENTAL MINDORO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with