^

Bansa

Kaso haharapin ko – PNoy Pagbaba sa pwesto

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakahanda si Pangulong Aquino na harapin ang anumang kaso na isasampa sa kanya ng mga kritiko sa sandaling bumaba sa puwesto sa June 2016.

Ito ang siniguro ni PNoy sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Rome, Italy kahapon ng madaling araw.

Aniya, inaasahan na niya ang pagganti ng kanyang mga kritiko at mga nasagasaan sa pagpapatupad ng Daang Matuwid.

“Hindi pa nga po tapos ang laban: Pagbaba ko sa puwesto, baka po simulan na akong bawian ng lahat ng tiwaling pinanagot natin, para takutin ang lahat ng mga tulad nating maayos ang hangarin,” wika ng Pangulo sa Filipino community.

“Handa po akong harapin ito, dahil maliwanag sa akin na kung sumang-ayon akong manatili lang ang status quo, walang mangyayari sa bansa natin,” dagdag pa nito.

Ipinagyabang din ni PNoy ang nagawa ng kanyang administrasyon at ang sakripisyo ng kanyang mga Gabinete.

“Ang mga kasama natin sa Gabinete, nagbuhos talaga ng literal na blood, sweat, and tears para maabot natin ang narating natin ngayon...kapareho ko [sila] sa kagustuhang baguhin ang dinatnang status quo, at pareho po nating nagsakripisyo. Hindi lang po bumagsak ang mga suweldo nila; pati walang saysay at walang tigil na pang-alipusta, pinasan ng atin pong mga kasamahan at Gabinete at gobyerno,” giit pa ni Pangulong Aquino.

Nakipagkita naman kahapon si PNoy kay Pope Francis sa Vatican bilang sagot sa ginawang pagbista ng Santo Papa sa Pilipinas noong Enero.

Sinaksihan din ng Pangulo ang blessing ng mosaic sculpture ng Our Lady of Penafrancia sa Vatican saka nakipagkita din ito sa mga paring Filipino at religious group sa Vatican.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

DAANG MATUWID

GABINETE

MGA

OUR LADY OF PENAFRANCIA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with