^

Bansa

Barko ng China pumasok sa teritoryo ng Pinas sa West Philippine Sea

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang paramilitary vessel ng China ang illegal na pumasok sa nasasaklaw ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) o hurisdiksyon ng Pilipinas sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Kalayaan Islands Mayor Eugenio Bito-onon, pinaniniwalaang ang panibagong barko ng China sa lugar ay isang Coast Guard ship sanhi ng kulay puting marka nito.

Nabatid kay Bito-onon na na-monitor nila ang intrusyon ng barko ng China umpisa pa noong Nobyembre 9 o may siyam na araw ng nananatili sa lugar na 4 nautical miles lang ang layo sa Pagasa Island.

Ang Pagasa Island ay kabilang sa mga islang inookupa ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“It was a Chinese Coast Guard vessel, a big ship with white markings. She was there observing, it was on a standby. It did not drop anchor, but was on a standby,” ani Bito-onon kung saan kinunan na ng larawan ng mga empleyado ng munisipyo ang nasabing barko.

Gayunman, ayon kay AFP Spokesman Col. Restituto Padilla wala silang monitoring sa nasabing barko na sinasabi ng alkalde at sinabi pang may kalayaan ang mga dayuhang barko na maglayag sa pandaigdigang katubigan sa lugar.

“Nothing is coming out from our monitoring that somebody is violating the no sail zone and our territorial waters,” ani Padilla.

Kinumpirma naman ni Bito-onon na umalis lamang ang nasabing barko sa lugar dakong alas-7 ng umaga o isang araw bago ang pagdating ni Chinese President Xi Jinping sa Manila para dumalo sa APEC Summit.

vuukle comment

ANG

ANG PAGASA ISLAND

CHINESE COAST GUARD

CHINESE PRESIDENT XI JINPING

COAST GUARD

EXCLUSIVE ECONOMIC ZONE

KALAYAAN ISLANDS MAYOR EUGENIO BITO

PAGASA ISLAND

PILIPINAS

RESTITUTO PADILLA

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with