^

Bansa

Assets kokolektahin na ng BIR Pacquiao, Jinkee nagpasaklolo sa SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpapasaklolo sa Korte Suprema si World Boxing Champ Manny Pacquiao upang mapigilan ang pagkolekta ng Bureau of Intenal Re­venue sa kanyang mga asset para punuan ang umano’y P2 bilyong pagkakautang sa buwis noong 2008 at 2009.

Sa inihaing memorandum sa Kataas-taasang Hukuman, hiniling ni Pacquiao at kanyang misis na si Jinkee na isantabi nito ang bahagi ng inisyung resolusyon na nag-aatas na magdeposito sila ng cash bond na nagkakahalaga ng P3.2B o di kaya ay surety bond na P4.9B para maipatupad ang suspension order laban sa Warrant of Distraint and Levy na inisyu ng BIR laban sa mga bank account ng pambansang kamao.

Ayon sa mga petitioner, hindi nila kakayanin ang halaga ng cash bond na itinakda ng korte dahil ito ay lagpas pa sa kabuuang halaga ng kanilang net worth.

Nanindigan din ang mga Pacquiao na nabayaran na nila nang buo ang buwis na sinisingil ng BIR.

Nababahala ang kampo ni Pacman na tuluyan nang masamsam ang kanilang asset, lalo pa at kinumpirma ng BIR sa pagdinig sa Court of Tax Appeals na itutuloy nito ang pagkulekta sa buwis kung hindi magkakaroon ng bisa ang suspension order ng Mataas na Tribunal dahil sa kabiguan ng mga petitioner na magdeposito ng malaking halaga ng cash bond.

Inihayag pa ng mga petitioner na sinimulan na ng BIR ang collection proceedings laban kay Jinkee nang hindi man lang siya pinadadalhan ng notice kung mayroon nang final decision sa kinukuwestiyong tax assessment.

Iginiit din ng mga petitioner na ito ay malinaw na paglabag ng BIR sa right to due process ni Jinkee Pacquiao.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUREAU OF INTENAL RE

COURT OF TAX APPEALS

JINKEE

JINKEE PACQUIAO

KORTE SUPREMA

MGA

PACQUIAO

WARRANT OF DISTRAINT AND LEVY

WORLD BOXING CHAMP MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with