^

Bansa

Aurora signal no. 4, Metro Manila signal no. 2 Bagyong Lando, hahagupit!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalu pang lumakas ang bagyong Lando habang patuloy na nagbabanta sa lalawigan ng Aurora, Isabela at Northern Quezon.

Alas-5 ng hapon ka­hapon, si Lando ay namataan ng PagAsa sa layong 230 kilometro ng silangan ng Baler, Aurora  taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng ha­ngin na umaabot sa 210 kilometro bawat oras. Si Lando ay kumikilos pakan­luran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas  sa Signal number 4 ang Aurora at signal number 3 naman sa Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Ifugao, Northern Quezon kasama na ang Polillo Islands.

Signal number 2 sa Cagayan kasama na ang Calayan at Babuyan group of Islands, Benguet, Mt. Province, Abra, Kalinga Apayao,Ilocos Norte,Ilocos Sur, La Union, Pangasi­nan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, nalalabing bahagi ng  Quezon, Camarines Norte  at Metro Manila.

Signal number 1 sa  Batanes, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Lubang Island, Northern Oriental Mindoro, Marinduque, Camarines Sur, Albay at Catanduanes.

Ngayong Linggo ng umaga inaasahan ng PagAsa na maglaland fall ang bagyo sa lalawigan ng  Aurora. Makakaranas naman ng storm surge sa Aurora at karatig lalawigan ng may 3 metro.

Ngayong Linggo ng hapon, si Lando ay nasa bisinidad ng Nagtipunan, Quirino at sa Lunes ng hapon ay nasa Lubuagan, Kalinga.

Sa Martes ng hapon ay nasa layong 20 kilometro ng hilagang kanluran ng Aparri, Cagayan at sa Miyerkules ng hapon, si Lando ay inaasahang nasa layong 70 kilometro timog ng Basco, Batanes at sa Huwebes ay nasa la­yong 130 kilometro ng hila­gang silangan ng Basco, Batanes.

Patuloy na pinag-iingat at pinaghahanda ng Pag Asa ang mga residente sa mga nabanggit na lugar at pinagbabawalan din ang mga mangingisda na huwag munang maglalayag dahil sa malalaking alon sa karagatan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BASCO

BATANES

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

ILOCOS NORTE

LANDO

NBSP

NGAYONG LINGGO

NORTHERN QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with