^

Bansa

Tagubilin ng AFP sa mga sundalo 2016 elections ‘wag iboykot, bumoto!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng 125,000 mga sundalo sa bansa na bumoto at aktibong makiisa sa nalalapit na May 2016 national elections.

Ayon kay AFP Spokes­man Col. Restituto Padilla, ang pagboto at aktibong pagbibigay seguridad para sa malinis na pambansang halalan ang tanging partisipasyon ng mga sundalo.

Marami umano sa mga sundalo ay hindi na nakakaboto dahil malalayo ang destino pero ayon sa opisyal ay mayroon namang ‘absentee voting‘ sa mga lugar na kanilang destino kaya hindi dapat balewalain ang pakikiisa sa paghahalal ng susunod na lider ng bansa.

Sa kasalukuyan, patuloy na pinaplantsa ng magkasanib na puwersa ng AFP at Philippine National Police (PNP) ang HOPE 2016  (Honest, Orderly and Peaceful Elections) kung saan tinutukoy na ang mga lugar na posibleng maging election hotspots kaugnay ng matinding banggaan ng kampo ng mga kandidato.

Kaugnay nito, nag-iikot na si AFP Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Ricardo Visaya sa mga units ng militar na kaniyang nasasakupan upang ipaalala sa mga sundalo na magpartisipa sa pambansang halalan.

“The soldiers are members of the society and casting their votes is one way of exercising their political rights,” ani Visaya bilang pribilehiyo ng bawat Pilipinong botante.

Nasa 10,000 sundalo at karagdagang 10,000 Cafgu ang aktibong naka-duty sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon), Mimaropa(Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at Bicol Regions na nasasakupan ng AFP-Southern Luzon Command.

vuukle comment

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BICOL REGIONS

MGA

ORDERLY AND PEACEFUL ELECTIONS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RESTITUTO PADILLA

RICARDO VISAYA

RIZAL AND QUEZON

SOUTHERN LUZON COMMAND

SOUTHERN LUZON COMMAND CHIEF LT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with