^

Bansa

Binay una sa RMN Survey

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos na muling manguna sa survey, nagpasalamat kahapon si Vice President Jejomar Binay sa mamamayan dahil sa patuloy na paniniwala at pagsuporta sa kanya sa kabila ng matinding paninira umano ng mga kalaban sa pulitika.

Sa ginawang RMN (Radio Mindanao Network) 2016 Election Survey sa buong kapuluan, nanatiling nasa number one si Binay sa nais na susunod na maging presidente ng bansa sa 2016.

Ayon kay Joey Salgado, hepe ng Office of the Vice President Media Affairs, nakakuha si Binay ng 26.16 pors­yento sa kabuuang boto sa pagka-presidente habang pumangalawa si Senator Grace Poe, 24.84% at pangatlo si dating DILG Secretary Mar Roxas, 18.14%.

Ang survey ay isinagawa mula Agosto 11 hanggang 18 at inilathala ang mga resulta sa pahayagan.

“The Vice President is fighting an uphill battle against those who are bent on continuing a regime of social inequality. He is grateful for the people’s unbending support,” ani Salgado.

Sinabi ni Salgado na sa kabila ng mga matin­ding kasinungalingan at pag-atake laban sa Bise Presidente, itinuon ng huli ang pakikipag-usap ng direkta sa mamamayan.

“Iisa lang ang mensahe ni Vice President Binay sa taumbayan: Panahon na para sa tunay na pagbabago at pagginhawa ng buhay. Ito ang sinimulan n’ya sa Makati at sa suporta ng bayan, ipatutupad n’ya ito sa buong bansa,” ani Salgado.

“Ang tunay na kalaban ay ang gutom, kahirapan at kawalan ng trabaho sa ilalim ng isang administrasyong pabor lamang sa iilan,” dagdag nito. Idinagdag na sa survey, mataas ang nakuha ni Binay kumpara kay Poe at Roxas sa Northern Luzon.

Nanguna si Poe sa NCR at South Luzon habang si Roxas ay nanguna sa Visayas. Matindi naman ang labanan nina Binay at Poe sa Central Luzon, Cavite-Laguna-Batangas-Rizal (CALABAR), at Mindanao. Ang survey na may +/- 2.5 percent margin of error ay isinagawa ng nasabing petsa na may 4,718 random radio listeners at registered voters sa buong bansa.

Ininterview ng RMN Research Department ang mga participants mula sa 17 siyudad at munisipalidad sa MetroManila, ang mga lalawigan sa CALABAR, anim na probinsya sa Central Luzon, 13 lugar sa North at South Luzon, 20 area sa Visayas, at 13 area pa sa Mindanao.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

BISE PRESIDENTE

CENTRAL LUZON

ELECTION SURVEY

JOEY SALGADO

MINDANAO

NORTHERN LUZON

SALGADO

SOUTH LUZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with