^

Bansa

Motorsiklo salpok sa steel fence: Rider patay, angkas sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang rider  ang nasawi, habang sugatan naman ang angkas nito makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang bangketa sa Quirino Highway sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat ni SPO1 Jessie Flores, ng Quezon City Police District Traffic Sector 1, ang nasawi ay nakilala lamang sa alyas na Mel, habang isinugod naman sa malapit na ospital ang sugatang angkas nitong si Ian Cortez, 23, binata ng Caloocan City. Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Quirino Highway flyover sa Brgy. Unang Sigaw, ganap na alas -5 ng umaga. Diumano, binabaybay ng dalawa sakay ng isang Sym motorcycle na for registration ang naturang lugar galing ng A. Bonifacio nang biglang mawalan ng kontrol pagsapit sa flyover at biglang tinumbok ang bakod na bakal nito. Sa lakas ng impact, tumalsik ang mga biktima sa kalye bago tuluyang humampas ang kanilang mga katawan sa semento. Dahil kapwa walang suot na helmet, nagtamo ng matinding pinsala  sa katawan ang mga biktima, subalit idineklarang dead-on-the-spot si Mel, habang isinugod naman sa malapit na ospital ang angkas nito.

Sinasabing galing umano sa isang kasayahan ang dalawa bago maganap ang aksidente.

vuukle comment

ANG

BONIFACIO

BRGY

CALOOCAN CITY

DAHIL

DIUMANO

IAN CORTEZ

JESSIE FLORES

QUEZON CITY POLICE DISTRICT TRAFFIC SECTOR

QUIRINO HIGHWAY

UNANG SIGAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with