^

Bansa

Poe sa DOJ: Pumatay sa SAF 44 habulin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila na magkataliwas ang findings ng Senado at Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay sa Mamasapano massacre, iginiit kahapon ni Sen. Grace Poe na dapat pa ring madaliin ng Department on Justice ang kanilang imbestigasyon at papanagutin ang mga pumatay sa 44 miyembro ng Special Action Force.

“Given the differing findings of fact, it is more imperative for the DOJ to expedite and finish its investigation, identify the culpable individuals, and prosecute them accordingly,” ani Poe.

Pero pinuri ni Poe ang liderato ng MILF dahil sa pagkumpleto ng kanilang imbestigasyon at pagbibigay sa Senado ng kopya ng kanilang report.

Sinabi pa ni Poe na ma­iintindihan naman kung bakit magkaiba ang naging pananaw sa pagkamatay ng mga miyembro ng 55th SAC dahil magkaiba ang mga testigong napakinggan ng Senado at ng MILF.

Pero nanindigan si Poe sa report ng kanyang komite na nilagdaan ng 20 senador.

Maari naman aniyang magpasok ng amendments o pagbabago sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo.

Sinabi pa ni Poe na pag-uusapan din ng ko­mite ang mga magkataliwas na bahagi ng report ng MILF at Senado.

Ang mahalaga aniya ay maipagpatuloy ang paghahanap sa kato­tohanan.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Tito Sotto na ang isinumiteng report ng MILF sa Mamasapano mas­sacre ay nagpapatunay na walang kontrol ang liderato nito sa kanilang mga fighters at sa mga armadong grupo.

Iginiit ni Sotto ang MILF report ang pinakamagandang argumento para tutulan ang panukalang Bangsamoro Basic Law.

Lumilitaw aniya na dapat ay sa ibang grupo na lang sa halip na sa MILF makipag-peace talks ang gobyerno.

Kinuwestiyon pa ni Sotto kung bakit pinag- initan pa ng MILF sa kanilang report ang survivor na si PO2 Christopher Lalan gayung ginawa lang niya ang lahat para makaligtas.

Pinaiimbestigahan ng MILF si Lalan dahil sa posibleng liability nito dahil sa walang awa umanong pagpatay sa apat na combatants ng MILF habang natutulog sa isang makeshift mosque noong Enero 25. (Malou Escudero)

vuukle comment

BANGSAMORO BASIC LAW

CHRISTOPHER LALAN

GRACE POE

MALOU ESCUDERO

MAMASAPANO

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PERO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with