^

Bansa

Gawad Tanglaw 2015 Pilipino Star Ngayon ‘Best Filipino Newspaper’ na naman

Mario D. Basco - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunud-sunod na taon, muli na namang nakamit ng Pilipino Star NGAYON ang titulong “Best Filipino Newspaper of the Year” ng 13th Gawad Tanglaw na ginanap sa awar­ding ceremony sa Ernesto Palanca Crisostomo Hall of the University of Perpetual Help System DALTA sa Las Piñas City,  kahapon ng hapon.

Tumayong kinatawan ng Pilipino Star NGAYON ang Editor-in-Chief na si Al Pedroche na tinanggap ang medallion of honors, certificate commendation at ang specially-designed trophy mula kay Norman llaguno, katuwang sina Tere­sita Bagalso, Jaime Ang at Romeo Flaviano Lirio sa ginanap na seremonya.

“Your paper continuous to be a game changer in the field of print media,” pahayag ni Prof. Jaime Ang sa Pilipino Star NGAYON.

Kabilang din sa binigyang parangal ng Gawad Tanglaw ay ang ilang publications, television and radio stations sa iba’t ibang kategorya. Umani ng popularidad ang Pilipino Star NGAYON dahil sa ginagamit nitong modernong Filipino language na naiintindihan ng intelihenteng masa kaya naman isa ito sa kinilala ng Gawad Tanglaw.

Isa sa humakot ng atraksyon ng Pilipino Star NGAYON ay ang “Litra Talks” sa front page at ang mga balita mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Maging sa hanay ng mga kolumnista na may kakaibang topics sa araw-araw ay nakapagdudulot ng kasiyahan sa mga mambabasa.  Siyam na kakaibang katangian ng Pilipino Star NGAYON na hindi nakita sa ibang Filipino tabloid ang pinahalagahan ng Gawad Tanglaw.

Unang nakopo ng Pilipino Star NGAYON ang ‘Best Filipino Newspaper of the Year’ na ginanap ang awarding ceremony noong Marso 7, 2013 sa Colegio de San Juan de Letran Calamba, Calamba City, Laguna bago nasundan noong Marso 12, 2014 sa nabanggit ding kolehiyo.

vuukle comment

AL PEDROCHE

BEST FILIPINO NEWSPAPER OF THE YEAR

CALAMBA CITY

ERNESTO PALANCA CRISOSTOMO HALL OF THE UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP SYSTEM

GAWAD TANGLAW

JAIME ANG

LAS PI

LETRAN CALAMBA

PILIPINO STAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with