^

Bansa

Batas na nagbabawal na mag-asawa agad ang mga biyuda, hiwalay sa asawa pinababasura

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinababasura ng Senate Committee on Women, Family Relations and Gender Equality ang umiiral na batas na nagbabawal na muling mag-asawa agad ang mga bagong nabiyuda o kaya ay bagong nahiwalay sa asawa.

Nakasaad sa Article 351 ng Revised Penal Code na maituturing na premature marriage kapag ang biyuda ay nagpakasal sa loob ng 301 days mula sa pagpanaw ng kanyang mister.

Krimen din na premature marriage kapag nagpakasal kaagad ang biyuda habang hindi pa inululuwal ang ipinagbuntis nung buhay pa ang asawa.

Maituturing din na krimen sa nasabing batas kapag nagpakasal ang babae sa loob ng 301 days mula nang maipawalang bisa ang kaniyang kasal dahil sa annulment o dissolution ng kasal at kapag nag-asawang muli nang di pa iniluluwal ang ipinagbubuntis nung may bisa pa ang kanilang kasal.

Ang premature marriage ay may katapat na parusang arresto mayor o pagkabilanggo ng isang buwan hanggang anim na buwan at multa na P500.

Inendorso ang panukala ng women and family relations committee ni Sen. Pia Cayetano at nakatakda ng isalang sa plenary debates para sa ikalawang pagbasa.

Nabatid na wala pang natutukoy na nakulong dahil sa premature marriage pero dapat umanong i-repeal na ang batas dahil wala itong ibang silbi kundi diskriminasyon para sa mga kababaihan.

 

vuukle comment

FAMILY RELATIONS AND GENDER EQUALITY

INENDORSO

IPINABABASURA

KRIMEN

MAITUTURING

NABATID

NAKASAAD

PIA CAYETANO

REVISED PENAL CODE

SENATE COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with