Hamon sa militante magprotesta sa Ayungin Shoal
MANILA, Philippines - Hinamon ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe ang mga kongresistang miyembro ng Makabayan bloc na dalhin ang kanilang protesta sa Ayungin Shoal o ScarboÂrough Shoal at iba pang teritoryo ng bansa na inaangkin ng China.
Ayon kay Batocabe, nakakadismaya na ang walang tigil na kaka-proÂtesta at batikos ng mga militanteng kongresista sa mga hakbang ng gobÂyerno para protektahan ang bansa laban sa pambu-bully ng China kasama ang pagpasok ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Paliwanag ng kongresista, wala naman problema kung magprotesta tungkol sa ibang bagay ang mga militante subalit sa isyu laban sa China ay dapat pinagkakaisahan ito ng lahat ng mga Pilipino.
Kung ayaw umanong papigil ng mga militanteng kongresista ay mas mabuting magtungo ang mga ito sa Ayungin at doon salubungin ang Chinese Coast Guard na madalas mang-harass ng mga mangingisda at civilian vessel ng bansa.
- Latest