^

Bansa

Hamon kay PNoy: Matulog, kumain ng lugaw sa tent ng Yolanda survivors

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalewala ng Malacañang ang hamon ng mga biktima ng bagong Yolanda kay Pangulong Aquino na matulog at kumain ng lugaw araw-araw sa kanilang mga tents sa evacuation center sa Tacloban City.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi na nila papatulan ang nasabing hamon ng grupong People Surge dahil nirerespeto ng Palasyo ang kanilang sentimyento at mga opinyon.

Wika ni Lacierda, hindi naman nagpapabaya ang gobyerno sa pangangaila­ngan ng mga Yolanda survivor dahil patuloy ang buhos ng mga biyaya o tulong mula sa DSWD at patuloy din ang rehabilitation at reconstruction efforts ng DPWH.

Magugunita na sinabi mismo ni PNoy kamakalawa na babalik siya sa lugar na sinalanta ng bagyo at lindol sa susunod na linggo bago siya magtungo sa Malaysia upang personal na alamin ang rehab efforts ng gobyerno.

 

vuukle comment

AYON

BINALEWALA

LACIERDA

PANGULONG AQUINO

PEOPLE SURGE

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with