^

Bansa

Publiko binalaan sa laruang may lason

Ludy Bermudo/Ricky Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa nagsisimula na ang buwan ng Pasko at pangunahing regalo ay mga laruan, pinaalalahanan ng environmental group ang publiko na umiwas sa mga laruang pambata na nagtataglay ng toxic chemicals.

Babala ito ni Thony Dizon, coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition, kasunod ng kanilang natuklasan na may toxic metals na antimony, arsenic, cadmium, chromium, lead at mercury ang 217 toy samples na kanilang nabili sa pagitan ng Setyembre at Nobyembre 2013 mula sa mga formal at non-formal retailers sa mga lungsod ng Maynila, Parañaque, Pasay at Quezon.

Nabatid na 176 sa mga naturang toy samples ay may lead na isang brain damaging toxin at nagiging sanhi ng mental retardation, learning difficulties, lower intelligence quotient scores, pagkaantala ng paglaki, anemia, pagkabingi, at pinsala sa bato kung malalang­hap, makakain at malalagay sa balat ng isang tao.

Kabilang umano sa top ten toy samples na may pinakamaraming lead content at hindi dapat bilhin at ibigay sa mga bata ay ang isang walang tatak na kulay dilaw na play chair na may disenyong Winnie the Pooh, isang hubad na manyika na may hawak na dilaw na tuwalya, isang itim at dilaw na polyvinyl chloride (PVC) plastic boxing gloves na may disenyong SpongeBob Squarepants, isang walang tatak na rug doll na may dilaw na PVC plastic dress, isang Justice League Superman stuffed toy, “Style Beauty Series” dolls, kulay pula at berdeng dragon, Pocket Bola Pikachu, Fashion Doll na may suot na berdeng PVC dress at Ji Hua jumping rope na may berdeng cord.

 

vuukle comment

FASHION DOLL

ISANG

JI HUA

JUSTICE LEAGUE SUPERMAN

POCKET BOLA PIKACHU

PROJECT PROTECT

STYLE BEAUTY SERIES

THONY DIZON

WINNIE THE POOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with